425

By

Mga artista naiyak sa pagkadismaya sa resulta ng eleksyon

Hindi na napigilan ng ilang mga celebrity na maglabas ng saloobin hinggil sa resulta ng eleksyon.

Isang screenshot ng partial at unofficial results ng senatorial race ang ipinost ng aktor at manunulat na si Alwyn Uytingco kalakip ang caption na: “Teka, listahan ba ‘to ng mga posibleng manalo o bilang ng mga atraso nila sa Pilipinas?”

Hindi naman ikinatuwa ng aktor na si Felix Roco na ibinoto pa rin ng maraming tao si dating senador Ramon “Bong” Revilla.

“May tanong ako para sa mga bumoto kay Revilla,” aniya sa Twitter.

Sa huling tally na inilabas ng Comelec na partial, unofficial result ay ika-12 si Revilla sa senatorial race.

Ganoon din ang naging reaksyon ni Adrian Alandy na ipinagtaka kung bakit marami pa rin ang bumot kina Bong Revilla at Imee Marcos.

Samantala ang theater actress at singer na si Bituin Escalante na sinuportahan ang Otso Diretso ay tinanggap na hindi mananalo ang kaniyang mga pambato.

Hindi rin naging masaya ang aktres na si Janine Gutierrez sa patial and unofficial results ng eleksyon.

“My friend: ‘Talo talaga ng sikat yung mga matalino. In the same way na talo ng malalandi yung magaganda.’ Aray,” Tweet ni Janine.

Makalipas ang ilang oras ay muli itong nag-tweet.

“OMG PILIPINAS YOU’RE BREAKING MY HEART. Nakakaiyak.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?