98
Metro Manila Subway ilulunsad ngayong Pebrero
By

Metro Manila Subway ilulunsad ngayong Pebrero

Nakatakda umano ang groundbreaking ng Metro Manila Subway sa Pebrero 27.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), inaasahang maiibsan nito ang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Layon nitong bumagtas mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.

Target umano ang partial operations nito na may tatlong operasyon kabilang ang North Avenue, Mindanao Avenue at Tandang Sora sa 2022 habang ang full operations ay sa 2025.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?