172

Feb 15, 2020 @ 20:33
By

Metro Manila manganganib! Reclamation projects sa Manila Bay tinabla ni Duterte

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang reclamation project sa Manila Bay habang siya ang nakaupong Presidente ng bansa.

Ito ang mensahe ng Pangulo sa mga lokal na opisyal ng Cavite matapos pangunahan ang inagurasyon ng Sangley Airport Development Project sa Sangley Point, Cavite nitong Sabado ng hapon.

Harap-harapang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal ng Cavite na kahit isang pribadong proyekto ay hindi niya papayagan sa Manila Bay.

Pero kung may koneksiyon ito sa mga proyekto ng gobyerno ay bibigyan ng go signal.

“Not during my time. I will only allow maybe plans of whatever reclamation if it is in connection with government projects. I will not allow massive reclamation for a private sector. Not now,” anang Pangulo.

Kapag aniya pinayagan ang mga ikinakasang pribadong reclamation projects ay tiyak na malalagay sa panganib ang buong Metro Manila.

Dapat aniyang pag-aralan ito ng susunod na Presidente dahil tiyak na mabubulok ang Metro Manila kapag naglagay ng mga istruktura sa Manila Bay.

“If I will do that, it will choke Manila. The entire Manila City would be environmentally at peril,” dagdag pa ng Pangulo.

Ipinaliwanag din ni Pangulong Duterte kung bakit inilagay niya sa ilalim ng pangangasiwa nito ang Reclamation Authority matapos makarating sa kanya na maraming politikong nagla-lobby para sa reclamation projects.

“Yung Reclamation Authority kinuha ko because I heard that everybody was lobbying for it. And it came to my attention that every Tom, Dick and Harry in town was following-up. No, no reclamation. You wait until the next President,” dagdag pa ng Pangulo.

Kabilang sa mga reclamation project na ikinakasa umano ay ang itatayong housing projects sa Bacoor, Cavite na inalmahan ng mga residente dahil maaapektuhan ang industriya ng tahong na kanilang pinagkakakitaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?