267

By

#MeToo movement umabot na sa sports

Hanggang sa larangan ng sports ay umabot na ang #MeToo movement.

Noong Enero 2018, nagsalita ang mga babaeng na-sexually abused ni former Michigan State University at USA Gymnastics doctor Larry Nassar.

Hindi lamang sa mga locker room at gym, hanggang sa mga boardroom at kitchen table ay nagaganap ang pangha-harass.

Bago tumestigo, isa si Jordyn Wieber, miyembro ng gold-medal 2012 Olympic gymnastics team, ang tumestigo at nagsampa ng kaso kay Nassar matapos mapanood ang iba pang biktima na ibinabahagi ang kanilang masaklap na karanasan sa loob ng korte.

“I saw this effect and this power we as Olympians had by using our voice,” ayon kay Wieber. “I felt really responsible to do that. If I could do one small thing in the world of gymnastics, the world of sports, this was it. I knew it wasn’t going to be easy, but I felt like it was worth it.”

Isa rin si Wieber sa lumaban para managot ang USA Gymnastics at iba pang organisasyon sa mga pang-aabuso ni Nassar sa loob ng nagdaang mga taon.

Si American gymnast Simone Biles naman ay nagsalita matapos na patuloy ipagamit ang Karolyi Ranch training center sa Texas kahit na nagsalita na ang mga biktima tungkol sa pang-aabuso ni Nassar sa training center na iyon.

Sinabihan naman ni Biles si former USA Gymnastics president Kerry Perry noong Agosto dahil sa hindi nito pagsasalita tungkol sa mga issue. Matapos ang isang buwan ay nag-resign agad si Perry.

“The fact Simone is able to effect the amount of change she’s been able to is a testament that athletes are starting to have a little bit of power,” ani former gymnast Rachael Denhollander, na nagsampa ng criminal complaint kay Nassar nu’ng 2016.

Si Nassar ay nasentensiyahan ng 40 hanggang 175 taon sa bilangguan habang ang university president ay tinanggal sa trabaho at inakusahan dahil sa pagsisinungaling sa mga pulis.

Matatandaang noong 2017 nagsimula ang pagbagsak ng mga TV personality na sina Matt Lauer at Charlie Rose at ang Hollywood mogul Harvey Weinstein na mga kapwa inakusahan ng sexual harassment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?