28
Dahil sa paglabag sa kontrata: Meralco-MVP sinuspende sa Africa
Feb 24, 2020 @ 19:34
By

Meralco tiba-tiba noong 2019

Umabot sa P23.4 bilyon ang kinita ng Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan noong nakaraang taon.

Ayon sa pahayag ng Meralco, tumaas sa P318.3 bilyon ang kita nito noong 2019, mas mataas ng 5% kesa sa P304.5 bilyon na itinala nito noong 2018.

Ang gastos naman nito ay nasa P287.1 bilyon kaya ang net income nito ay umabot sa P23.4 bilyon.

Ang Meralco ang pinakamalaking distribution company sa bansa.

Pinasusuri ng ilang consumer group ang libro ng Meralco dahil sa paniniwalang sinisingil nito sa mga consumer ang ilang investment nito tulad ng sa Atimonan One Energy na inaalmahan ng mga taga-Quezon at ng mga environmentalist.

Naniniwala rin ang mga consumer group na pati inutang ng Meralco sa pagpapatayo ng iba pa nitong mga kompanya tulad ng Atimonan One ay kinakarga sa mga sinisingil sa mga tao na hindi dapat pinapalampas ng Energy Regulatory Commission.

Pinagdududahan din ng mga consumer group ang competitive selection process ng Meralco sa mga bagong power supply agreement (PSA) nito noong katapusan ng 2019.

Pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang ilang PSA ng Meralco at inutusan ito noong nakaraang taon nang magsagawa ng CSP o maayos na bidding para mapababa ang presyo ng kuryente para sa mga consumer.

Para sa Matuwid na Singil sa Kuryente, nililimita ng Meralco ang pwedeng makasali sa tinatawag na greenfield energy na 1,200 MW at minamadali pa nito ang bidding kahit matagal pa kukuhanin ang kuryente para Atimonan One lamang ang makapasok sapagkat tinatayo pa ang ibang mga planta na maaaring makasali.

Ganyan din ang pananaw ng Power for People Coalition na sinisisi rin ang Meralco sa pagtaas ng presyo ng kuryente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?