253

By

Mensahe ng pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni Gary Lising

Nagdalamhati ang mga netizen sa pagyao ng kilalang komedyanteng si Gary Lising sa edad na 78.

Kinumpirma ng kapatid niyang si Pompeii Lising sa Facebook post ang pamamaalam ni Gary.

Hindi naman binanggit ni Pompeii ang sanhi ng pagkamatay ng comedian pero noong 2009 at 2012 ay dumanas na ito ng cardiac arrests.

Sumikat si Gary noong 1970s hanggang 1990s. Bahagi siya ng TV show na “Champoy” at mga pelikula na “Run Barbi Run” at “Alyas Boy Tigas”.

Narito ang ilang mensahe ng pakikiramay kay Gary:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?