33

By ,

Menor de edad swak sa P120K shabu sa Taguig

Isang 17-anyos na umano’y tulak ng droga ang nakumpiskahan nang higit P120,000 halaga ng shabu sa isang anti-criminality operation sa Taguig City nitong Miyerkules ng gabi.

Sa detention cell ng Taguig City Police ang bagsak ng suspek na itinago sa pangalang “Junie” na may kinakasama at residente ng Barangay Ususan sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Cpl. Pascual Jile Cherwaken, nagkasa ng anti-criminality at validation operations ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni S/Sg Ericson Aquino sa Kalayaan St., Barangay Ususan sa Taguig City dakong alas-10:00 ng gabi.

Naispatan ang kahina-hinalang ikinilos ng suspek at nang ito ay lapitan ng mga awtoridad ay dito na nakumpiskahan ng dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 17.7 gramo at nagkakahalaga ng P120,360, cellphone, gray sling bag, at P500 cash.

Agad namang itinurn-over ang mga nakumpiskang ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis habang nakakulong si Junie sa himpilan ng pulisya upang maimbestigahan at masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?