358

Mar 26, 2020 @ 11:54
By

Menggie Cobarrubias yumao na

Hindi pa tiyak kung dahil sa COVID-19 kaya pumanaw ang beteranong aktor na si Menggie Cobarrubias.

Ayon sa pamangkin nitong si Patricia Prudon, Marso 26, 2020, sumakabilang-buhay si Cobarrubias mula sa “pneumonia complications.”

“Still to confirm if NCOV-19 positive siya. Will keep everyone posted,” wika ni Prudon.

“Thank you for being a father, a lawyer, a general and a whole lot more roles to Philippine cinema. You will surely be missed,” sabi pa niya.

Nagpasalamat naman ang asawa ng aktor na si Gina Jorge sa 30 taon nilang pagsasama.

“Goodbye my love. Thank you for the 30 wonderful years. I love you,” sambit ni Gina. “Dear God please give me the strength to be able to face this very difficult moment of my life.”

Bumida si Cobarrubias sa maraming pelikula, kabilang na ang “Hele sa Hiwagang Hapis,” “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?,” at “Kabisera.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?