38

By

Men, women’s 3×3 abante sa finals

Parehong pasok na sa final round ang Gilas 3×3 men and women’s team matapos ang magkahiwalay na panalo Lunes sa 30th Southeast Asian Games 3×3 tournament sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa opensiba ng Gilas men ang newly recruited SMB big man na si Mo Tautuaa na gumawa ng 7 points kasama ang panapos na 2-point basket upang bitbitin ang Pilipinas sa 21-11 tagumpay kontra Thailand.

Kasama na umagapay sa produksyon si Phoenix big man Jason Perkins na lumista ng 6 points habang pasiklab rin ng nagbabagang 5 points ang Columbian Dyip guard na si CJ Perez.

Sumirit naman ng 3 points si Chris Newsome kabilang ang highlight jam niya upang iarangkada ang koponan sa Finals.

Samantala, hinagupit ni Janine Pontejos ang Vietnam sa 21-12 panalo matapos gumawa ng game-high 9 markers kasama ang ginawa niyang dalawang 2 points.

Kasama naman niyang sumalya sa Vietnam si UAAP women’s basketball Season 82 champion Jack Animam na umambag ng 6 points habang tig-3 points naman para kina Afril Bernardino at Clare Castro.

Haharapin ng Pilipinas women team sa finals ang Thailand sa 3:40 ng hapon habang panapos na laro naman ang Pilipinas men team kontra Indonesia sa alas-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?