1,348

By

Memes ang nagpanalo kay Revilla – Netizens

Isang netizen sa social media ang nagpahayag na ‘unintentionally’ ay natulungan umano ng mga tao na manalo si Bong Revilla sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga meme, na siyang sinang-ayunan naman ng ilan.

Saad ng ilang netizen, dahil sa paggawa at pagbabahagi ng memes ay tumatak sa isip ng marami ang pangalan ni Bong Revilla.

Dahil umano rito ay naalala ng mga tao si Revilla at ibinoto sa nagdaang eleksyon dahil anila, ‘bad publicity is still publicity’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?