109

By

Mekaniko pinagselosan sa inuman, sabog ang bungo

Patay ang isang mekaniko matapos barilin ng nagselos niyang kainuman sa Calamba City, Laguna Martes ng madaling araw.

Natagpuan na lamang ang katawan ng biktimang si Ronaldo de la Rama na nakabulagta sa lugar na pinag-inuman sa Brgy. Kayanlog, alas-2:40 ng madaling araw.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala lamang sa pangalang “Lope.”

Batay sa ulat ng Calamba City police, kainuman ng biktima ang dalawang babae sa bahay ng isa sa mga ito sa Southville Subdivision nang dumating ang suspek.

Nakisali umano ang suspek sa inuman subalit naasar sa biktima dahil sa pagiging malapit nito sa dalawang kainumang babae.

Bigla na lamang umano itong nagbunot ng baril at niyapos sa leeg ang biktima at saka binaril sa likod ng ulo.

Agad nasawi ang biktima samantalang mabilis na tumalilis ang suspek na dala ang baril na ginamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?