52

By

Meghan Markle mahigit $1 million na ang nagastos sa damit

May higit na $1 million na ang mga nasuot na wardrobe ni Duchess of Sussex Meghan Markle!

Ito ang estimate ng mga netizens na inaabangan ang mga sinusuot ng former actress na ngayon ay parte na ng Royal Family.

Simula pa raw noong engagement ni Meghan kay Prince Harry hanggang sa kasalukuyang mga official occasion na dinadaluhan ng dalawa, umabot na raw sa milyon ang mga damit, accessory at show ng duchess ayon sa royal expert na si Katie Nicholl.

Ang wedding dress na lang daw ni Meghan na gawa ng Givenchy ay may tag price na $440,000 at ang sinuot niya sa reception na gawa ni Stella McCarthy ay may halagang $147,000.

Sa mga public appearances naman ng duchess, tulad ng cream-colored Givenchy cape dress kunsaan kasama niya si Queen Elizabeth II, may halaga iyon na $18,000.

Ang pink off-the-shoulder Carolina Herrera top and skirt na sinuot ni Meghan sa Trooping the Colour ceremony ay worth $4,000.

Ang printed Oscar dela Renta dress na sinuot nito sa kasal ng pinsan ni Prince Harry ay may retail price na $6,000.

Sa isang garden party naman na in-attend-an nila ni Harry, suot ni Meghan ang isang sheer-paneled Goat dress na worth $643.

“Look at the publicity she has brought in run up to the wedding. I’d argue that’s worth every penny,” sey ni Nicholl.

Pero tulad ng sister-in-law niya na si Kate Middleton, mukhang marunong ding magpaulit-ulit ng isusuot si Meghan.

“When you are buying that sort of couture with those sorts of price tags it would be criminal not to re-wear them,” pagtapos pa ni Nicholl. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?