91

By

Meghan-Kate hindi magkasundo? Prince Harry at misis mag-aalsa balutan

Dahil umano sa hindi pagkakasundo nina Meghan Markle at Kate Middleton kaya lumalaki rin ang tensiyon sa pagitan nina Prince Harry at William.

Ayon sa report ng The Sun, nagdesisyon na ang mag-asawang Harry at Meghan na hindi na tumira sa Kensington kasama sina William at Kate.

Lilipat na umano sina Harry at Meghan sa Windsor estate at maninirahan sa Frogmore Cottage.

Ang hakbang ng mag-asawa ay bunsod umano ng magkaibang ugali nina Kate at Meghan.

“They don’t really get on,” sabi ng source ng The Sun.

Kinumpirma naman ng Kensington Palace ang paglipat nina Harry at Meghan bilang paghahanda aniya sa pagkakaroon ng baby ng dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?