53

May 23, 2020 @ 15:04

Megan Fox, isa raw Pinay?

Mainit na pinag-usapan ngayong May 23 sa Twitter ang pagiging diumano’y Filipina ng Hollywood actress na si Megan Fox.

Ito’y matapos kumalat ang balitang nagtaguyod siya ng Anakbayan Hollywood.

Ilan sa sikat na pelikula ni Fox ang “Transformers” at “Jennifer’s Body”.

Ang Anakbayan ay isang youth group at makakaliwang grupo sa Pilipinas.

Nag-trending ang #MeganFoxIsFilipino matapos mag-tweet si Filipino-American rapper Ruby Ibarra ng: “Update: Megan Fox just founded Anakbayan Hollywood #meganfoxisfilipino.”

Sa isa pang tweet sinabi ng Anakbayan-USA na: “We’re growing! Maraming salamat to Kasama Megan for helping us expand our international movement here in the US. Mabuhay to our newest chapter!” na nilagyan ng mga hashtag na #meganfoxisfilipino at #oustdutertenow.

Nakasaad sa profile ni Ibarra na isa siyang assistant ni Fox.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?