18

Mar 26, 2020 @ 10:14
By

Medical community nagdadalamhati sa pagpanaw ng 9 doktor

Inihayag ni Dr.Dennis de Guzman,former Asst.secretary general ng Philippine Medical Association na nagdadalamhati ang medical community sa pagpanaw ng 9 doktor.

Ayon kay de Guzman,ang mga doktor ay parang lumaban sa giyera na walang mga armas.

Marami pa umano ang doctor na kasalukiyang nasa ICU at inoobserbahan.

Masakit umano sa kanila ang pagpanaw ng mga doktor,pero wala silang magagawa dahil iyon ay bahagi ng kanilang tungkulin na sinumpaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?