91
Malacañang saludo sa SC sa pagpapatibay sa ika-3 Martial Law extension
By

Media sinisi ng Malacañang sa maling pag-intindi sa China issue

May bagong bersiyon si Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagang mangisda ang China sa karagatang sakop ng Pilipinas dahil sa pagiging magkaibigan.

Sinabi ni Panelo na baligtad at hindi naintindihan ng media ang naging pahayag ng Pangulo nang sabihing papayagang mangisda ang China sa exclusive economic zone (EEZ) dahil magkaibigan sila.

Tinanong aniya nito ang Presidente dahil sari-sari ang naging reaksiyon sa pahayag nito at nilinaw nito ang sinabi sa ambush interview sa kanya.

“PRRD: ‘I don’t think that China would do that.’ Talagang ang ibig niyang sabihin ‘I don’t think China would go fishing there.’ ‘Why, sir?’ ‘Because we are friends,’” paliwanag ni Panelo.

Sinabi ng kalihim na tama aniya ang reaksiyon sa maling premise ng tanong ng media.

“Ang sinasabi ni Presidente—kasi ang tanong sa kaniya, ‘will we prevent China from fishing?’ Ang sagot ni Presidente doon, “I don’t think China would go fishing there.” Kasi nga may usapan na sila ever since, ‘di ba? Iyon ang pinapaliwanag niya nga sa speech niya, iyon ang sinasabi niya. The first time he went there, nagkaroon sila ng usapan… iyon. Kasi nga alam nila na ‘pag mayroong ano doon, baka magkaroon lang ng hostility leading to armed confrontation,” dagdag na paliwanag ni Panelo.

Pero sa ambush interview kay Pangulong Duterte, malinaw ang sagot nito sa tanong kung pagbabawalan ba ang China na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas, batay sa kahilingan ng 22 mangingidang Pinoy.

Batay sa sagot ng Pangulo: “I don’t think that China would do that. Why? Because we’re friends. And they are of the same view that that should not result in any bloody confrontation.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?