26,895

By

Medalya ni ‘Bata’ Reyes minaliit: Noli de Castro kinuyog ng mga netizen

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang pangmamaliit ni broadcaster Noli de Castro sa nakuhang medalya ni Efren “Bata” Reyes sa men’s 1-cushion carom ng billiards event sa 30th Southeast Asian Games nitong Biyernes.

Nagkasya sa bronze medal si Reyes matapos matalo ng Vietnamese na si Dinh Nai Ngo, 100-14.

Nabuwisit ang mga netizen sa pagkakasabi ni De Castro sa national TV ng “bronze lang?” tungkol sa tansong medalya na nasungkit ni Reyes.

Dapat daw na maging proud sa mga atleta dahil sa pagbibigay ng mga ito ng karangalan sa bansa lalo na ang isang legend na gaya ni Reyes.

Malaking pambabastos din daw ang sinambit ni De Castro kay Reyes na ilang taon ng buhay nito ang inalay para magbigay ng karangalan sa bansa.

Pinagtanggol naman ng iba si “Kabayan” na baka naman daw out of surprise lang kaya napa-comment ito ng “bronze lang?” dahil inaasahan nitong makaka-gintong medalya ang tinaguriang “The Magician”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?