65

Mar 20, 2020 @ 23:03
By

Meat processors, nangangamba sa posibleng shortage ng canned goods

Nangangamba ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (Pampi) na maaaring magkaroon ng shortage ng canned goods sa susunod na buwan sa Luzon dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Sa isang sulat nitong Biyernes para kay Trade Secretary Ramon Lopez, ipinunto ni Pampi president Felix Tiukinhoy, Jr. ang kalagayan ng kanilang logistics at ilan pa sa kanilang mga miyembro ay hirap makakuha ng raw materials “due to the checkpoints leading to plant locations.”

Sabi pa nito, “We expect that by the first week of April, our inventories will run out without adequate new production, along with those in possession of distributors and retailers,”

Ayon pa sa kanila, sumasang-ayon sila sa “lockdown” upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus ngunit “unfortunately, we were not prepared for it in terms of increased production and bigger raw mat inventories.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?