10

Mar 25, 2020 @ 21:44
By

McGregor humirit ng full lockdown sa Ireland

Humirit ng full lockdown ang UFC superstar na si Conor McGregor sa kanyang bansa.

Banat ni McGregor, “True lockdown must begin, and it must begin now.”

Mahigit sa 1,000 na ang COVID-19 positive sa Ireland at anim na ang mga namatay.

Sa tingin niya ay full lockdown ang kailangan ng kanyang bansa upang mapigilan ang pagkalat pa ng nasabing virus.

“Let’s get it together and let’s ring the bells ourselves,” hirit pa niya.

Hiling niya na itigil muna ang operasyon sa mga airport at isara muna ang mga non-essential businesses.

“Let’s go Ireland. Let’s go rest of the world. Lockdown united. Together we stand. God bless us all.” – McGregor

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?