1,109

By

McGregor gustong matikman ang kamao ni Pacquiao

Handang tumawid muli si UFC star Conor McGregor mula sa octagon patungo sa boxing ring.

Saad ni McGregor sa panayam sa ESPN, sinabi nito na nais niya uling maranasan ang makipagsapakan sa mundo ng boksing, dating kinalaban si Floyd Mayweather Jr noong 2017.

“It was a great, great experience, and, you know, I look forward to doing it again,” ayon sa Irish fighter. “It’s going to happen again.”

Target ni McGregor na muling makaupakan ang tumalo sa kanyang si Mayweather, ngunit may back-up plan sakaling tumutol ang huli na ngayo’y ine-enjoy ang buhay retirement.

Saad ni McGregor, nag-offer na siya para naman harapin ang eight-time world division champion na si Manny Pacquiao, ngunit mali pa raw ang timing.

Samantala, si Pacquiao naman ay inaasahang bumalik sa boxing ring sa Abril o Hunyo ngayong taon, matunog na pangalan ng kanyang sunod na makakasagupa ay sina super lightweight and welterweight champ Danny Garcia at four-division champion Mikey Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?