539
McGregor at Donald Cerrone paghaharapin ni UFC pres Dana White
By

McGregor at Donald Cerrone paghaharapin ni UFC pres Dana White

Hangad ni UFC president Dana White na ibalik sa octagon ring si Conor McGregor katapat ni Donald Cerrone sa Hunyo.

Pinatawan ng Nevada State Athletic Commission at kasalukuyang nasa six-month ban si Irish fighter McGregor dahil sa gulo na ginawa nito kasama si Khabib Nurmagomedov noong Oktubre.

“Those two want to fight each other, they’ve both earned it,” pahayag ni White sa MMAjunkie sa UFC 234 media conference na ginanap sa Australia.

Dagdag pa nito, “Cowboy’s fought anybody we’ve ever put against him. We throw this young killer [Alexander] Hernandez at him, Cowboy’s the underdog and he goes in and does it the way he did it, then Conor’s fought everybody. If these two want to fight, I’m down.”

Matatapos ang ban ni “Notorious” McGregor sa Abril na may 22-4 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?