28

By

McDaniels nangibabaw sa mga Govs’ Cup import

Maraming maangas at eksplosibong import sa PBA Governors’ Cup, pero nangingibabaw si KJ McDaniels ng TNT.

‘Di na katakatakang nangunguna sa pulutong ng Best Import derby ang dating player ng Philadelphia 76ers at Houston Rockets.

Sa 11 laro sa single-round eliminations, nagsumite si McDaniels ng averages na 37.1 points, 13.9 rebounds, 5.2 assists, 3.5 blocks at 1.6 steals tungo sa total statistical points na 62.1 per outing.

Pumapangalawa kay McDaniels si Michael Qualls ng Northport, kasunod sina Allen Durham ng Meralco, dating Best Import awardee Justin Brownlee ng Ginebra at Manny Harris ng NLEX.

Sa top five, pinakakonting nilaro si Qualls na nakalimang salang lang pero nag-average ng 33.6 points, 13.4 rebounds, 3.6 assists, 2.2 steals at 1.8 blocks tungo sa 56.6 SPs.

Si Durham ay may 56.0 SPs mula 29.6 points, 14.6 rebounds, 6.3 assists, 0.8 steals at 1.0 blocks.

May 55.8 SPs si Brownlee (27.9 points, 13.4 rebounds, 8.0 assists, 2.0 steals at 1.1 blocks).

Nakalimang laro lang din si Harris tungo sa 55.3 SPs (32.0 points, 8.2 rebounds, 7.2 assists, 3.0 steals at 1.2 blocks)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?