50
Mayweather vs Pacquiao II, may pag-asa pa
By

Mayweather vs Pacquiao II, may pag-asa pa

Nagpahiwatig ng interes si Floyd “Money” Mayweather para muling makasapakan ang “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao.

Pahayag kamakailan ng 42-anyos na retiradong boxer: “We don’t know … only time will tell,” na basa ng mga sports analysts ay ang posibilidad ng pagpirma ng kontrata at bumalik sa lona.

Matatandaang binawi ng dating undisputed welterweight champion ang kanyang pahayag patungkol sa kanyang retirement matapos makipagbakbakan kay Conor McGregor at kay Tenshin Nakamura noong 2017.

Ayon naman sa advisor ni Floyd na si Leonard Ellerbe, wala naman daw interes na makipaglabang muli ang American boxer sa senador.

Dagdag pa ni Floyd ay tila ginagamit lang daw ni Pacquiao ang pangalan niya upang mapanatili sa ‘limelight’.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Freddie Roach patungkol sa kontrobersyal na rematch.

“I’m not sure. Mayweather seems to be a little evasive. He was real quiet. He didn’t stay at the fight after the decision was announced and call anyone out like he usually does.”, ani Coach Freddie.

Dagdag pa niya, takot lang umano si Floyd kay Pacquiao dahil kahit na 40-anyos na ang senador ay na-knock down pa nito ang mas batang boksinggero na si Keith Thurman sa unang round ng bakbakan nila sa MGM Grand Garden Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?