136
ABANTE inday sara duterte ayaw resign term extension
By

Mayor Sara Duterte: 2022 Presidential elections hindi pa dapat pag-usapan

Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkoles na wala pang saysay sa kasalukuyan na pag-usapan ang posibilidad ng kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022 kahit pa siya ang ‘top choice’ umano ng ilang kaalyadong senador.

Sa isang ambush interview sa Santiago City, Isabela, nanindigan si Mayor Duterte sa kanya ng naunang pahayag na sa Enero 2021 siya magpapasya kung siya ba ay tatakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan.

“As I have said, the best time to decide is January 2021, six months before the filing of candidacy,” paliwanag ni Duterte.

Hirit pa ng alkalde, walang patutunguhan sa ngayon ang mga kantyaw ng kanyang mga supporters na sundan ang yapak ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte dahil marami pang pwedeng mangyaring kaganapan sa mga susunod na araw at buwan.

“Dahil hindi naman kasi natin alam anong mangyayari bukas, it is pointless na mag-decide ngayon kung anong gagawin natin sa 2022,” giit ni Duterte.

Ilang miyembro ng Senado na kaalyado ng Administrasyong Duterte ang humirit nitong mga nakaraang araw patungkol sa posibleng pagtakbo ng Presidential daughter bilang Pangulo sa 2022.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, si Mayor Duterte ang kanyang napipisil na ‘top choice’ bilang susunod na pinuno ng bansa sa samantalang si Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara naman na kabilang sa senatorial slate ng alkalde sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay humirit din na nasasalamin ng Presidential daughter ang mga katangian hinahanap niya sa isang Pangulo.

Nitong Martes, inamin ni Mayor Duterte na siya ay nagsasagawa ng prayer journey sa kanyang mga lugar na binibisita upang humingi ng gabay sa Maykapal para sa kanyang mga gagawing desisyon sa larangan ng politika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?