110

By

Mayor Isko nagsalita tungkol sa relasyon noon kay Claudine

Nagkuwento ang dating aktor at ngayo’y Manila Mayor Isko Moreno tungkol sa naging relasyon nila noon ng naging kapareha niyang si Claudine Barretto.

Sa Dec. 1 episode ng “Gandang Gabi Vice”, naitanong kay Yorme kung naging magkarelasyon sila ni Claudine.

“Naging mag-jowa ba talaga kayo ni Claudine noon?” tanong ni Vice.

“With due respect to Ms. Claudine Barretto, hindi naman,” sagot ni Moreno.

“We were partners in movies and we belonged to one film outfit, which is Seiko Films,” dagdag pa ng alkalde.

Tinanong din ni Vice kung niligawan ba ni Mayor Isko si Claudine na sinagot naman ng huli ng: “Hindi eh, nagbigay ako ng bulaklak kasi sinabihan ako ni boss Robbie [Tan].”

Isa raw sa naging rason kaya hindi niyayang makipag-date ni Mayor Isko si Claudine ay dahil sa may kaya ito sa buhay.

“Medyo maayos naman kasi ang buhay nila,” aniya.

Nagbida sina Mayor Isko at Claudine sa pelikulang “Muntik na Kitang Minahal” noong 1994.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?