108
Binabalanse ko lang! Isko dumepensa sa bansag na ‘anti-poor’
By

Mayor Isko nag-donate ng P5M sa Cotabato

Ibinigay na lang ni Manila Mayor Isko Moreno ang P5 milyon niyang talent fees sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Ayon sa Manila Public Information Office, ang P3 milyon ay mula sa talent fee ng alkalde sa Pascual Laboratories habang ang P2 milyon ay TF niya mula sa Belo Medical Group.

Magugunitang sa tatlong magkakasunod na lindol ang yumanig sa Mindanao kung saan naitala ang sentro sa bayan ng Tulunan sa Cotabato.

Kabuuang 23 ang naitalang nasawi habang 618 pa ang sugatan sa tatlong lindol, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Una nang binigay ng alkalde ang milyon niyang talent fees sa Philippine General Hospital.

https://www.facebook.com/ManilaPIO/posts/710607026090656

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?