60

By

Mayor Isko maraming natutunan kay Ping

Malaki ang pasasalamat ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga ibinigay na payo sa kanya ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa maraming bagay.

Sa kanyang Facebook account, pinagmalaki ng alkalde ang lubos niyang paghanga sa senador at marami aniya siyang natutunan sa mambabatas nitong Sabado, Nob. 9.

Kabilang sa mga ibinigay na payo sa kanya ng senador ang tungkol sa police operation, anti-kotong, effective law enforcement at anti-criminality campaign.

Tiyak aniyang pakikinabangan ng mga taga-Maynila ang mga tips ng senador.

“Maraming salamat po kay Senator Ping Lacson na aking lubos na iginagalang at hinahangaan. Marami po akong natutunan sa inyo ngayong gabi tungkol sa police operation, anti-kotong, effective law enforcement, and anti-criminality campaign na tiyak na pakikinabangan ng mga taga Maynila.

Thank you po, Senator. Mabuhay po kayo!” sabi ni Isko sa FB post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?