93

By

Mayor Isko eeksena sa MMFF movie ni Coco Martin

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na mapapanood siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Kapamilya actor Coco Martin.

Masaya aniya si Mayor Isko at isinama siya ni Coco sa “Tripol Trobol Huli Ka Balbon”.

“I’m grateful to Mr. Coco Martin and the staff. They included me in the movie. Ano lang naman, a few scenes as myself, no, the same position pala,” anang alkalde.

Binunyag niyang ibinigay niya sa Philippine General Hospital ang talent fee niya sa movie.

“Sabi ko sa kanila, ibigay nila sa PGH ‘yung yadba (bayad) nila sa akin,” dagdag pa niya.

Aminado ang alkalde na na-miss niya ang pag-arte kaya natutuwa siya at napasama sa movie.

“Nakaka-miss. Kaya nga ako natutuwa, noong artista ako, hindi ako naging model e. Ngayon kaliwa’t kanan meron e,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?