117

By

Mayor Abalos, landslide victory sa Mandaluyong

Nasa 2nd term na ngayon sa pagka-mayor si reelectionist Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos matapos ilaglag sa halalan ang isang Florencio Solomon na kumalaban sa mga Abalos sa 2019 midterm elections.

Nakakuha si Abalos mula sa PDP-Laban ng 128,661 votes habang si Solomon, isang independent candidate, ay nagkakuha ng 8,589 na boto, base sa 100 percent of election returns ng clustered precincts.

Habang si Vice Mayor Anthony Suva ay nakakuha ng 111,922 na boto laban kay Boy de Quinton na mayroon lamang na 18,981.

Si Abalos na unang tumakbo noong 2016 ay kapalit ng kanyang asawa na si long-time Mayor Benjamin Abalos Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?