46
Mayo mas magiging mainit pa – Pagasa
By

Mayo mas magiging mainit pa – Pagasa

Asahan ang mas mainit pang klima pagpasok ng Mayo sa Luzon area, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Saad sa panayam sa Radyo Inquirer kay Pagasa weather specialist Ana Solis, posibleng maging tuloy-tuloy na 40 degree Celsius ang maranasang temperature sa Northern Luzon.

Nagbabala naman ang weather specialist na mag-ingat ang mga residente ng North Cotabato, General Santos, Tuguegarao, Dagupan, Nueva Ecija, Isabela, Palawan at Occidental Mindoro dahil kasama ang mga nasabing lugar sa heat danger zone na posibleng maging mapanganib sa kalusugan.

Sa Dagupan, umabot ng 51.7 degree celcius ang heat index noong Martes na delikado sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?