67

By

Maynilad, Manila Water nagiging ‘tax haven’ – Tolentino

Mistulang ‘tax haven’ na umano ngayon ang Maynilad at Manila Water dahil sa ipinapasa nito ang kanilang corporate income tax obligation sa kanilang mga customer, ayon kay Senador Francis “Tol” Tolentino.

“Yo’n pa lang corporate income tax ay pinapasa sa mga consumer bilang consumption tax. In effect, exempt po sila sa pagbabayad ng corporate income tax,” pahayag ni Tolentino sa kanyang privilege speech.

“These concessionaires have become tax havens,” dagdag nito.

Batay sa 2018 financial statement ng dalawang kumpanya, mahigit sa P2.8 bilyong corporate income tax ang ipinasa ng Maynilad sa kanilang mga customer habang P2 bilyon naman sa Manila Water.

“In addition to the P20 billion (Maynilad: P9.642 billion and Manila Water: P10.731 billion) expenditures annually being charged to its consumers, the corporate income tax of Maynilad at around P2.8 billion and the corporate income tax of Manila Water at around P2 billion has been passed on to consumers,” sabi ni Tolentino.

“In effect, it is as if these concessionaires are charging their consumers consumption tax which is defined as a tax levied on consumption, spending of goods and services or a percentage tax which is generally considered as regressive and contrary to Section 28 Article 6 of the 1987 Constitution which provides that the system of taxation shall be progressive,” dagdag pa nito.

Ayon sa senador, ang P4.8 bilyong income tax na ito na ipinasa sa mga consumer ay sapat na para magtayo ng mahigit 4,800 silid aralan o 12,000 socialized housing units.

Maaari na rin sana nitong pondohan ang conditional cash transfer ng mahigit sa 300,000 pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“In the normal course of business, the income that is distributed to the stockholders is supposed to be taxed twice before it is distributed,” ayon kay Tolentino.

Subalit sa ilalim umano ng concession agreement, ani Tolentino, “Maynilad ang Manila Water are not ultimately burdened by the 30 percent corporate income tax.”

“Even though they are paying for it, the taxes paid are still being shifted to the poor consumers by including it in their bills,” saad pa nito.

Nakakapagtaka aniyang hindi nakakapagbayad ng corporate income tax ang mga ito gayong mas malaki pa ang kinikita ng mga ito kumpara sa mga local government unit na kanilang pinagsisilbihan.

“For 2018, Maynilad reported income before tax of P10.3 billion, while the LGUs they serve, Caloocan and Pasay city, earned only P2.2 billion and P2.1B respectively. Parañaque earned P877 million, Muntinlupa P1.6 billion and Bacoor just P732 million, all-inclusive already of their shares from the Internal Revenue Allotment,” sabi ni Tolentino.

“On the other hand, Manila Water reported income before tax of P8.6 billion, while the LGUS they serve, Pasig earned P6.9 billion, Taguig P5.5 billion, and Antipolo, P1.4 billion. While earning so much already, these concessionaires are still allowed to shift the burden of their expenses to their consumers. This is a disturbing truth,” dagdag pa nito. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?