87

Maynilad, Manila Water hindi na sisingilin ang gobyerno

Inihayag ng Manila Water Company, Inc. at Maynilad Water Services, Inc. nitong Martes, Disyembre 10 na hindi na nila pagbabayarin ang gobyerno sa ipinataw na halos P11 bilyong danyos ng korte sa Singapore.

Sinabi ito ni Manila Water President at Chief Executive Officer Jose Rene Almendras sa mga mambabatas sa hearing sa Kamara gayundin din ang sinabi ni Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez.

Matatandaang pinagbabayad ng P7.4 bilyong danyos ng Permanent Court of Arbitration sa Singapore ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagpigil umano nito na magtaas ang Manila Water ng kanilang singil sa tubig habang P3.4 bilyon naman para sa Maynilad.

Dahil dito ay kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang korte na humatol dito at pinangatawanan na hindi magbabayad ni singko sa Manila Water at Maynilad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?