94
Maymay, Kathryn, Alden taob kay Maine
By

Maymay, Kathryn, Alden taob kay Maine

Tunay na pinag-usapan si actress-comedian Maine Mendoza online, ngayong nanguna siya sa Most Tweeted hashtag at account sa Twitter Philippines ngayong 2019.

Sa hashtag category, naungasan ng “Isa Pa, with Feelings” star ang mga Kapamilya loveteam na “MayWard” nina Maymay Entrata at Edward Barber, at “DonKiss” nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Pasok din dito ang”ABSCBNBallFanFave,” o ang Twitter-based fan choice award ng ABS-CBN Ball, at ang “Hello, Love, Goodbye” na pelikulang pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Similarly, sila-sila lang din ang lumitaw sa accounts category. Nanguna si Maine, at sinundan nina Maymay, Kisses, at dating ka-AlDub tandem nitong si Alden. Nasa listahan din sina Edward, Kathryn, at Donny.

Nag-iisa naman ang FM radio station MOR 101.9 na pumasok sa parehong Top 10 list: pangsampu ito sa accounts category at pumangalawa sa hashtags category ang programa nitong “DyisIsItManila” na naglalabas ng arawang Top 10 kanta.

Narito ang buong listahan ng Most Tweeted hashtags sa bansa this year:

1. #MaineMendoza
2. #DyisIsItManila
3. #MayWard
4. #Alden Richards
5. #DonKiss
6. #ABS-CBNBallFanFave
7. #MaymayEntrata
8. #KissesDelavin
9. #EdwardBardber
10. #HelloLove Goodbye

Ito naman ang Top 10 Most Tweeted about accounts:

1. Maine Mendoza
2. Maymay Entrata
3. Kisses Delavin
4. Alden Richards
5. Edward Barber
6. Kathryn Bernardo
7. Lou Yanong
8. Donny Pangilinan
9. Aljon Mendoza
10. MOR 101.9

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?