214

By

May tulo! ‘Tisoy’ nagparamdam sa gymnastics event

Sa kasagsagan ng pag-eensayo ng mga atleta sa gymnastics event ay hindi nagpahuli at naramdaman pa rin ang lakas ng bagyong Tisoy.

Alas-1:30 ng hapon, ilang oras bago ang individual apparatus performance ay abala ang mga organizer dahil sa isang problema.

Ito ay ang tulo sa loob ng Rizal Memorial Complex na pumapatak sa pinaglalaruan ng mga atleta.

Sa parallel bars ay makikita na naglagay ng dalawang timba para masapo ang tubig mula sa bubong ng stadium.

Naka-standby naman ang mga pamunas maging sa horse pommel apparatus na na-landingan pa ng PH bet na si Carlos Yulo habang nagpapraktis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?