71

By

May pumalag! Embiid, Towns suspendido sa rambol

Dalawang laro na garahe ang primyadong center na sina Philadelphia 76ers’ Joel Embiid at Minnesota Timberwolves’ Karl Anthony Towns dahil sa bangasan na nangyari sa pagitan nila.

Ayon sa NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDeWeghe, kanilang sususpendihin ang dalawa nang walang bayad dahil sa on-court altercation at continued escalation.

Sa 6:45 sa third quarter ng laro ay nagkainitan sina Embiid at Towns, kung saan sinapak ni Towns si Embiid matapos maitulak, ngunit wala namang kumonektang upak mula sa dalawa.

Depensa ni Embiid, hindi dapat siya masuspende dahil aniya, hindi naman niya sinapak si Towns.

“I didn’t throw any punches, so I shouldn’t get suspended,” ayon sa Cameroonian.

Samantala, kumontra naman si Timberwolves president of basketball operations Gersson Rosas sa suspensyon kay Towns.

“While we are disappointed with the league’s decision, we understand the magnitude of this unfortunate incident,” aniya. “The NBA is highly competitive and last night was a reflection of that. We support Karl and will move forward together as a group.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?