259

By

May pinapahiwatig? Romeo binati sina Garcia, Cruz

Ano kaya ang ibig sabihin ng biglaang pagbati ni dating TNT guard Terrence Romeo kina RR Garcia at Jericho Cruz matapos gawaran ng Best Player of the Game sa laban ng quarterfinal match ng San Miguel at KaTropa.

Matapos ibuhos ang 15 points sa panalo, 80-78, sa post-game interview ng ESPN5 ay nabanggit ni Romeo ang pangalan nina Garcia at Cruz.

“Binabati ko rin si Jericho Cruz at si RR Garcia. Para sayo ‘to mga tol,” ayon kay Romeo.

Naging kampi ni Romeo si Garcia sa FEU, naglaro rin sa TNT ngunit binitawan sa kalagitnaan ng Philippine Cup, samantalang si Cruz naman ay hindi namamataan sa panig ng KaTropa at hindi pa malinaw ang status sa koponan.

Nang maitanong kay Romeo kung ano ang ibig sabihin ng pagbati sa dalawa, ito ang kanyang naging tugon.

“Kasi mga best friend ko sila. Normal lang na binati ko sila. Kaibigan ko kasi si Jericho at si RR. Parang normal lang na pagbati sa kaibigan,” ayon sa scoring guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?