108

Feb 12, 2020 @ 21:29
By

May pamilya rin kaming umaasa sa amin – Angel Locsin sa mga troll ng ABS-CBN

Nakiusap si Angel Locsin sa mga netizen na mag-isip munang mabuti bago magsalita.

Ani Angel sa kanyang Instagram post, libo-libong tao ang masisira ang buhay kapag nagsara ang ABS-CBN.

Giit pa niya, kung may pagkakamali man ay gawin na lang itong tama at hindi solusyon ang pagpapasara sa isang network dahil gaya ng iba ay may pamilya ring umaasa sa kanilang mga nagtatrabaho sa Kapamilya Network.

Kaya hiling ni Angel ay konting pang-unawa sa mga basher para na rin sa mga cameraman, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, at iba pang empleyado ng network.

“Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit… lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila,” ani Angel.

“Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

Isang pakiusap. “Think before you click”. Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc.. Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMI po ang ABS-CBN. Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories — kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nagkasakit… lahat pinagpapaguran para po sa pamilya nila. I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakaraming tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamali man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasara ng isang network ang makakatulong sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. 📸 ABS-CBN team behind the set. #NoToABSCBNShutDown

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?