130

Feb 20, 2020 @ 19:54
By

May konsensiya ako! Espenido tinangging may alam sa patayan sa Bacolod

Pumalag si Lt. Col. Jovie Espenido sa mga akusasyon na may kinalaman siya sa mga drug-related killing sa Bacolod City.

Iniuugnay si Espenido sa mga patayan sa lalawigan dahil sa record niya sa drug war partikular na nang maitalaga siya sa Ozamiz at Leyte.

Si Espenido ang naging pinuno ng City Drug Enforcement Unit bago ito na-relieve.

“Maraming patayan sa Bacolod, kagagawan ko? Grabe sila. Ako na nga may problema. Isa lang ang amo ko. Ang Panginoon lang talaga, dependent ako kay God,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, may konsensiya siya at isang pro-life.

“I have a conscience and I am pro-life,” wika niya.

“Wala tayong style na hoodlum-hoodlum. May Panginoon na nakatingin. Huwag magdesisyon na si Espenido talaga ang pumatay ng tao. Grabe naman kayo. May mga kapit-bahay kayo na pumapatay tapos ako ituro n’yo?” giit pa niya.

Hindi rin daw siya pulis ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi ng sambayanang Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?