31

By

Mau, F2 nilagot muli ang Cignal

Pinuntos lahat sa atake ang 16 na kinayod ni power hitter Tyler-Marie Kalei Mau upang kumpletuhin ng F2 Logistics ang pagwalis sa Cignal, 25-18, 25-14, 25-22, Martes ng gabi sa wakas ng 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 prelims 2 sa Malolos Sports and Convention Center, Bulacan.

Binalik ni Mau ang panig ng Cargo Movers sa win column ng torneo kung saan pumwesto ang mga ito sa sa second spot sa 12-2 win-loss card papasok sa quarterfinals katapat ang seventh placer Sta. Lucia (2-12).

“I’m hungry, I wanna win. I wanna go all the way,” saad ni Mau na may tigalawang blocks at service aces din.

Nakatuwang niya sina middle spiker Mary Joy Baron na may 10 puntos mula sa atake, at tigalawa ring blocks at aces, open hitter Ara Galang na umiskor ng 10 markers at setter Kim Fajardo na may 18 excellent sets at 12 digs.

“Yung trust talaga ni coach sa ‘min, alam niya kasi na babawi kami from all the losses that we had and we prepared talaga for this game and lumabas naman yung tinraining namin,” pahabol ni Baron.

Sa paglagak sa ikalima sa 7-7, natoka sa HD Spikers sa quarters ang No. 4 Generika-Ayala na may 8-6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: