43
Mau, F2 Cargo Movers raragasa sa quarterfinals
By

Mau, F2 Cargo Movers raragasa sa quarterfinals

Sa pagtatapos ng preliminary rounds ng 2019 Philippine SuperLiga All-Filipino Conference nitong Martes, lalo pang hahambalos sina spiker Kalei Mau at F2 Logistics Cargo Movers papasok sa quarterfinal round.

Wagi nitong Martes ang Cargo Movers kontra Cignal HD Spikers, 25-18, 25-14, 25-22, para makabangon sa back-to-back losses.

Bumida para sa F2 Logistics si Mau na may 20 points, 16 mula sa atake, tigdalawang blocks at service aces upang isampa sa ika-No.2 seed ang koponan na may 12-2 win loss record.

“It’s actually been such a challenge. Like we’ve needed this. I think we worked hard every week but it’s been a different week,” kwento ni Mau matapos ang back-to-back losses ng koponan kontra Petron at PLDT.

“Coaches have brought out a lot of our weaknesses. We’ve kind of went straight to training in the gym with the weights, protecting ourselves from injuries, and then just liked the heaviness of back-to-back games.”

Papasok sa quarterfinals, makakatapat ng F2 Cargo Movers ang kampo ng Sta. Lucia Lady Realtors sa darating na Sabado.

“I just can’t wait ’cause the streak has started again and I’m hungry. I wanna win. I wanna go all out all the way,” panapos ni Mau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?