67

May 5, 2020 @ 9:51
By

Matsing naka-scooter, nandukot ng bata

Habang nakasakay sa scooter, sinubukang ma-kidnap ng isang unggoy ang isang batang babae noong Sabado.

Sa video ni Jasa Supanji sa Storyful, Mayo 2, isang matsing ang bumiyahe sa Gang Mawar street sa Surabaya, Indonesia tapos pumara sa nakatambay na isang babae at tatlong bata.

Hinatak ng hayop ang dilaw na damit ng babaeng naka-diaper, na natumba sa kinauupuan.

Binalikan ito ng matsing at kinaladkad ng ilang metro sa kalsada kaya sinita ng mga residente roon.

Naglakad naman pabalik sa kinauupuan ang umiyak na batang babae, na nagtamo ng mga galos sa noo.

Samantala, sa mga local report ay sinabing pinukpok naman ng handler ang matsing ng gamelan mallet.

Ayon sa Indonesia Expat, ito’y isang traditional form ng street show na kilala bilang “topeng monyet” o “masked monkey.”

Pinagbawal na umano ng East Java’s Natural Resources Conservation Agency ang nasabing palabas mula 2018, dahil tino-torture at minamaltrato ang mga hayop sa training at pwedeng magkaroon ng animal-to-human transmission ng sakit sa mga pagtatanghal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?