110

Feb 27, 2020 @ 18:48
By

‘Matigas ulo ko’: Manuel walang takas sa ligang labas

Alam ni Alaska forward Vic Manuel na bawal maglaro sa ligang labas, ngunit tinuloy niya pa rin ito.

Ayon kay Manuel, hindi umano niya matanggihan ang isang kaibigan kaya napalaro sa isang liga na labas sa PBA, na mahigpit na pinagbabawal ng professional league.

“I know it’s prohibited, pero matigas ulo ko,” ayon kay Manuel.

Kaya naman suspendido ito ng kanyang team, pati na rin si Magnolia Hotshots guard Jio Jalalon sa paglalaro sa isang exhibition game sa Laguna, kasama pa ang suspended ding si Calvin Abueva.

Hindi naman nagsalita si Alaska coach Jeff Cariaso kung gaano katagal ang suspension para kay Manuel.

“Sometimes we make mistakes. That’s really the moral of what this is all about. Make mistakes, you learn from it and just move forward,” saad ni Cariaso sa PBA Media Day.

“That’s what we’re doing now. We’re making sure Vic doesn’t commit the same mistake. That goes with everyone else on the team. Continue moving on and prepare for next conference.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?