6,496

By

Matatalo siya! Kris bumwelta kay Bong Go sa birong naloko ni Phillip Salvador

Matapang na Kris Aquino ang nasaksihan sa social media matapos mapanood ang naging speech ni senatoriable Bong Go sa campaign sortie.

Sa Instagram post ng ‘Queen of All Media’ sinabi niya na lubos siyang nasaktan dahil ginamit ang kanyang pangalan at ginawa pang materyal para sa biro ni Go.

Hindi rin umano ma-gets ni Kris kung bakit pinatamaan siya ni Go gayong wala siyang maalalang ginawang masama sa PDP-Laban senatorial bet.

Maririnig sa video na sinabi ni Go na adoptive father of Davao si Phillip Salvador dahil nag-iwan umano ito ng apat na anak sa lungsod.

Hindi pa nakuntento si Go na sumegunda na naloko umano ni Ipe si Aquino. Matatandaan na si Salvador ang tatay ng panganay ni Kris na si Josh.

“Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?” ayon kay Kris.

“Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”… nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya,” panapos ni Aquino.

View this post on Instagram

So much hurt deeply in the past few days. i was shown this video while in 🇯🇵 and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka… i was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video…pinanuod ko ulit. Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako. Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family? Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”… nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.

A post shared by Kris Aquino (@krisaquino) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?