215

Matapos tambakan ang Lakers, Thibodeau itinapon ng Timberwolves!

Pormal nang tinanggal bilang head coach at President of Basketball Operations ng Minnesota Timberwolves si Tom Thibodeau.

Kasunod ito nang pagkapanalo ng kanyang koponan kontra sa Los Angeles Lakers na tinambakan pa ng 22 puntos, ngunit matagal nang napabalita na delikado na ang kapit nito sa coaching role.

Noong nakaraang pre-season, inamin ng team owner na si Glen Taylor ang posibilidad na tanggalin na si Thibodeau, osa sa posibleng dahilan ang pag-ayaw ng star player na si Jimmy Butler sa kanilang koponan.

Ngunit kahit na matagal na itong plano, kataka-taka pa rin ang biglaang pagtanggal sa kanya bilang head coach matapos ang malaking panalo, lalo na’t isa sa kanyang mga naging alaga sa Chicago Bulls na si Derrick Rose ay nagbabalik ang porma matapos makaranas ng multiple injury na nagpababa sa kanyang laro.

Hahalili sa kanya bilang interim head coach si Ryan Saunders, matagal nang assistant coach para sa Minnesota at anak ng namayapang si Flip Saunders na nagsilbi ring coach ng nasabing team ng 11 season.

Kasalukuyang nasa 19-21 kartada ang Timberwolves, sapat para sa ika-11 na pwesto sa loaded na Western Conference. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?