141

By

Matapos tablahin ng NBA: China papasukin ang PBA

Posibleng hindi lang sa Pilipinas maere ng live ang mga PBA game, kundi pati na rin sa China.

Biyahe patungong China ang ilang top official ng PBA para makausap ang ilang mga broadcasting company dito para maipalabas ang laro sa local league.

Ito’y matapos na ayawan ng China ang NBA dahil hindi pumayag ang liga na tanggalin si Houston Rockets general manager Daryl Morey, na nagpakita ng suporta sa Hong Kong kaugnay ng pagiging independent state.

Kasama ni league commissioner Willie Marcial sina Chairman Ricky Vargas, Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua, league marketing head Gelo Serrano, at Bong Sta. Maria ng Philippine Global Network (PGN).

Kung sakali rin ay tinitingnan din ang posibilidad na magkaroon ng live PBA game sa China, bukod pa sa pagpapalabas ng laro dito.

Kasama sa nasabing meeting si East Asia League Limited CEO Matt Beyer para pag-usapan kung kayang maituloy ang nasabing proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?