158

By

Matapos matalo: Efren ‘Bata’ Reyes magreretiro na?

Bigong makakuha ng gintong medalya si Efren ‘Bata’ Reyes sa Southeast Asian Games, at posibleng hindi na magkaroon ng tsansa ang legendary pool player na masungkit ang mailap na top prize.

Giniba si Reyes sa one-cushion carom ng Vietnamese na si Dinh Nai Ngo, 100-14, at posibleng ito na ang huling salang niya sa biennial meet, o sa laro ng billiards.

“Di ko alam kung may laro pa ako o wala,” ayon sa 65-anyos na pool player.

“Hindi ko alam kung magre-retire ako o hindi, pero siguro malapit na,” aniya pa.

Para kay ‘Bata’, nawala na ang dati niyang mahika na nagpabilib sa international community.

“Mahirap din. Pabago-bago na tira ko. Hindi na pagaling, pawala na,” saad niya.

“Siguro kung tira (ni Dinh), at ’yung tira ko noong araw, kaya ko siya. Baka lamang pa ako. Kailangan tumatakada rin ako ng mga 20, kaya ko naman dati. Kaya lang ngayon hanggang 2 na lang ako,” paliwanag pa nito.

Kung sakali mang iyon na ang huling salang ni Efren sa regional meet, tatapusin niya ito sa limang bronze medal, na lahat ay galing sa carom event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?