21

Mar 30, 2020 @ 23:19
By

Matapos ma-disinfect: Trabajo Market muling magbubukas

Ilang araw matapos pansamantalang isara ang Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila dahil sa babaeng vendor na nagpositibo sa coronavirus disease, muli itong bubuksan sa publiko sa Marso 31.

Ayon ito sa pinadalang mensahe ni Manila Public Information Office (PIO) chief Julius Leonen, sa ulat ng Inquirer.

Sinailalim na sa disinfection ang pamilihan.

Sa datos ng Manila PIO noong Linggo, mayroon nang 55 kumpirmadong kaso sa lungsod, 7 sa mga ito ay nasawi, at isa ang gumaling. Habang 224 ang person under investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?