132

By

Matapos kampihan ang mga striking worker, Regent baka umalis sa Pasig

Pinag-iisipan umano ng Regent Foods Corporation na lumipat palabas ng Pasig City matapos suportahan ni Mayor Vico Sotto ang inarestong 23 na nag-strike na manggagawa ng kompanya.

“RFC may simply accept its fate that the Pasig City Administration will unjustly make life hard for it and its 400-strong workforce, and contemplate simply bringing its business elsewhere—a truly painful outcome for a corporation that has considered Pasig City its home for a total of three decades now,” ani Regent.

Sinabi ni Sotto sa isang Facebook post noong Sabado na nakipag-usap ito sa parehong kampo ng Regent at mga manggagawa.

Nang pakiusapan umano niya ang kompanya na iatras na ang isasampang kaso sa 23, hindi pumayag ang kompanya at sinabi ng abogado na hindi nila iwi-withdraw ang kaso.

“Technically, the complaints were filed by the private security, but the management have admitted that they are behind the complaints. They repeatedly told me, “pag-uusapan pa namin sa board” and “we will let you know pag nag-desisyon na ang board”,” lahad pa ni Vico.

Nakipag-usap din nitong Lunes si Sotto sa mga kamag-anak ng 11 nakapiit na striking worker tungkol sa pagpapalaya sa mga ito.

Kaiba naman ang kwento ng Regent kay Sotto, na sinabing nagpadala umano sila ng written request sa alkalde upang makatuwang sa pagresolba ng strike. “[It] merely fell on deaf ears,” lahad ng kompanya.

“RFC did not order their arrest, and RFC did not even participate in the preliminary investigation of these individuals… Mayor Vico deliberately overlooks that RFC is not the complainant who pressed these criminal charges,” giit pa ng kompanya.

“Unlawful” din umano ang strike ng mga manggagawa, at hinimok pa nila na ‘wag nang pumasok ang iba nilang kasamahan na ‘di kasama sa strike. Ginamitan din umano ng “matutulis na bagay” ng mga striking worker ang security officer ng kompanya.

Ngayong Martes, Nobyembre 19, 2019, napalaya na at nakapagpiyansa na ang lahat ng mga inarestong “Regent 23” sa tulong ni Sotto.

Poprotektahan naman umano ng Regent ang mga manggagawa nitong hindi sumali sa strike.

Ilan sa mga produkto ng Regent ang Sweet Corn, Cheese Ball, Tempura, at Mocha Cake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?