51
Pera galing iligal na droga, posibleng ibuhos sa kampanya-PDEA
By

Matapos ang 6 na buwan: Mga empleyado, opisyal ng BARMM, naswelduhan na

Matatanggap na ng mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ang naantalang anim na buwang suweldo.

Ito ay matapos ipalabas ng gobyerno ang tinatayang 59 hanggang 69 milyong pisong pondo para sa kabuuang anim na buwang suweldong hindi agad naibigay ng national government.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Al Haj Murad na kaya naantala ng anim na buwan ang kanilang suweldo dahil hindi kasali sa 2019 national budget ang pondo para sa kanila.

Nagsimulang magtrabaho aniya ang BARMM nito lamang buwan ng Pebrero kaya ang natirang pondo ng dating Autonomous Region for Muslim Mindanao ang kanilang ginamit at pinagkakasya sa ngayon.

Nauna rito, kinalampag ng Malacañang ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos iparating ng BARMM officials na hindi agad mailarga ang mga nakalinyang programa dahil wala pa silang pondo.

Sinabi ni Murad na ipinaabot na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ginagawa ng BARMM dahil sa tingin nila ay hindi nakakarating ang mga tamang impormasyon sa Malacañang.

“Maganda ang pagtanggap ng Presidente sa mga ginagawa sa BARRM at pinayuhan kaming ipagpatuloy lamang ang trabaho dahil suportado niya ito, lalo na ang ginagawang proseso sa rehiyon,” ani Murad.

Matatandaang inihayag ni Duterte na nababagalan siya sa pag-usad ng kaunlaran sa BARMM kaya itinalaga nito si Agriculture Secretary Manny Piñol para maging timon sa Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?