127

By

Masyado nang late! Enchong inis sa artistang susulpot lang ‘pag eleksyon

Si Enchong Dee ang isa sa mga artista na hindi natatakot sa pagpuna sa anumang isyu na kinakaharap ng bansa.

At ngayong eleksyon, napansin ng aktor ang ilang mga kasamahan sa industriya na biglang nagparamdam at nagsalita ukol sa mga isyung panlipunan.

Ayon kay Enchong, masyado nang huli para sa mga aktor na ito ang magsalita.

Mas pinili umano ng mga ganitong artista ang kasikatan kaysa gamitin ang popularidad para makatulong sa bansa.

“A celebrity who prefers to stay silent during non-election years, and prefers popularity over socio-political conversations, for me, is very much late to voice out their dismay,” ayon kay Dee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?